Home | About Rosario Batangas | Barangay Development Network | Barangay Clusters | Barangays |

Waypoint Hunter

NEW BLOG CHRONICLES OUR TRAVEL around Rosario Batangas in search of Provincial Boundary Monuments (PBM), Municipal Boundary Monuments (MBM), Barangay Boundary Monuments (BBM) and other landmarks scattered throughout the municipality that are useful reference points for map making and navigation.
Visit us @ Waypoint Hunter

Municipality of Rosario Batangas

USEFUL REFERENCE MATERIALS like the Comprehensive Land Use Plan and Zoning Ordinance (CLUP/ZO), Annual Reports, Citizens Charter and Barangay Profiles are published in digital format for your convenience @ Municipality of Rosario Batangas Unofficial Blog
Rosario Batangas Philippines

Friday, November 21, 2008

San Isidro

SAN ISIDRO Rosario Batangas Philippines has an area of 1,522.9445 hectares and part of Upland North East II-A Barangay Cluster under the Barangay Development Network of Aksyon ng Bayan Rosario 2001 And Beyond Program.

San Isidro Rosario Batangas
Year | San Isidro Projected Population
2006 2,946
2007 3,014
2008 3,083
2009 3,154
2010 3,227

References

  • Municipal Assesor's Office (1999), Impact Report, Municipality of Rosario, Batangas, Philippines

  • Municipal Land Use Committee and the Office of the Municipal Planning and Development Coordinator (June 2000), Comprehensive Land Use Plan of Rosario, Batangas for Planning Period: 2000-2010, Municipality of Rosario, Batangas, Philippines

  • Villar, Rodolfo G.; Quizon, Manuel Luis & Barbosa-Bianzon, Francia (1996) Minimum Basic Needs Baseline Survey Consolidated Report, Municipality of Rosario, Batangas, Philippines

Related Posts:

2 comments:

San Isidro, Rosario, Batangas said...
This comment has been removed by the author.
San Isidro, Rosario, Batangas said...

Kasaysayan ng Barangay San Isidro, Rosario, Batangas


Noong unang panahon ang Barangay San Isidro ay dating sakop ng Barangay Putingkahoy.

Ang resolusyon ni Ginoong Guillermo Velasco, na noon ay isa sa mga Barangay Kagawad ng Barangay Putingkahoy, na ang mga Sitio ng Buslot, Bayanan, Lianganan, Guinting, Igat, Compradia, Tore at Hilirang Kawayan na sakop ng Barangay Putingkahoy ay naaprubahang maihiwalay at maging isang barangay noong ika-30 ng Oktubre taong 1971.

Dolor, Compradia at San Isidro ang mga pinag piliang maging pangalan ng barangay. Ang mungkahi ni G. Guillermo Velasco na San San Isidro ang ipangalan sa barangay ay siyang naaprubahan. Ang pangalang San Isidro ay isinunod sa pangalan ng Patron ng mga Magsasaka na si San Isidro Labrador. Kaya’t tuwing ika-15 ng Mayo ipinagdiriwang ang kapistahan nito.

Ang Barangay San Isidro ay may sukat na humigit-kumulang na 1,457 ektarya na may mahigit 25 kilometrong barangay roads. Ang mga karatig na barangay ay ang Putingkahoy sa hilaga, Mabato at Bayawang sa Kanluran, Nasi at Mabunga sa timog, at Barangay Libato ng bayan ng San Juan sa silangan.

Dito ay mayroong isang Day Care Center, dalawang paaralang elementarya, ang San Isidro Elementary School at Compradia Elementary School. Mayroon din ditong pampublikong Mataas na Paaralan, ang The Saint Isidore National High School.

Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao dito ay ang pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop tulad ng baboy, baka, kalabaw, kambing, manok at iba pa.

Nahalal bilang kauna-unahang Punong Barangay si Ginoong Guillermo Velasco taong 1971. Sumunod na naging Punong Barangay ay si Ginoong Rosendo Dinglasan taong 1980. Ang ikatlong naging Punong Barangay ay si Ginoong Pedro Espiritu noong 1989. Nang pumanaw ang dating punong barangay na si Kapitan Pedro Espiritu noong 2004 ay naluklok sa puwesto bilang Punong Barangay si Kgg. Rolly Leynes dahil sya ang Unang Kagawad ng panahong iyon. Sa halalang pambarangay noong taong 2007 nahalal na Punong Barangay si Kapitan Rolly Leynes at hanggang sa kasalukuyan ay siya ang punong barangay ng Barangay San Isidro.